JK sumuko na sa paghahanap sa German dad

April 07, 2020
JK Labajo
JK Labajo

SUMUKO na ang 19-year-old singer-actor at frontman ng Juan Carlos Band na si JK Labajo sa paghahanap sa kanyang German biological father na nagngangalang Oliver Stolz from Munich, Germany. Kahit anong effort ang gawin niya para mag-reach out sa ama ay ayaw itong mag-respond sa kanya.  Isa itong indikasyon na hindi interesado ang kanyang biological dad sa kanya.

JK was still a baby nang sila’y iwan ng kanyang ama at magmula nang siya’y magkaisip ay pinangarap niyang ito’y makilala.  

Ang Filipina mother (from Cebu) ni JK na si Maylinda Labajo ay sumakabilang-buhay nung November 17, 2013 when he was barely seven years old at siya’y naiwan sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na si Jovanni at maternal grandmother na si Linda.

When JK was still a kid ay nakaranas ito ng pambu-bully sa school dahil sa kanyang Caucasian look at ang impression ng iba ay nagmula ito sa mayamang pamilya na kabaliktaran sa tunay na buhay.  As a kid ay naranasan ni JK ang magbenta ng mga junk items para makatulong sa kanyang lola at tiyuhin at nabaon din umano sila sa utang kaya naranasan niyang magpalipat-lipat ng tirahan.  Nabago lamang ang buhay ni JK at ng kanyang pamilya matapos siyang sumali sa unang season ng “The Voice Kids – Philippines” in 2014 where he placed 3nd to Lyca Gairanod at Darren Espanto.

Hindi man nakuha ni JK ang grand prize na napunta kay Lyca Gairanod, ito naman ang naging daan para makuha niya ang   management and recording contract with ABS-CBN’s Star Magic at MCA Music (Phils.), Inc.

Nakapag-guest din si JK sa iba’t ibang TV programs ng Kapamilya Network at napasama sa ilang TV series tulad ng “Pangako sa `Yo” (2015-2016) at “A Love To Last” in 2017.

Sumipa ang kasikatan ni JK in 2018 nang sumikat nang husto ang kanyang original song na “Buwan” which he co-wrote matapos siyang ma-bore sa pagkanta ng covers.