Jo Berry pinahanga ang fans sa Ecuador

August 05, 2020
Jo Berry

BIGLANG nakilala ang midget actress na si Jo Berry hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Latin American countries.

Ang dahilan, bagong launch ngayon sa Ecuavisa Channel sa Ecuador ang ‘The Gift’ na naka-dub sa Spanish. Napanood na rin doon ang unang serye ni Jo na ‘Onanay’ na very successful kaya naman recently ay na-interview siya via Zoom sa isang morning show doon na ‘En Contacto’. 

Marami ang natuwa at bumilib kay Jo sa naturang interview.  

Nakakatuwang isipin na kung tayo nga sa ‘Pinas ay humahanga rin kapag nagiging guest sa local TV shows ang mga kinagigiliwan nating bida sa Kdrama o ibang foreign series, ganun din pala ang nararamdaman ng ibang mga lahi kapag Pinoy naman ang nagiging guest sa kanila. 

Marami na ring mga Kapuso show ang napapanood ng mga Latino dahil sa patuloy na partnership ng GMA sa nasabing region kasama ang Latin Media Corporation.