Jodi single na naman

March 22, 2020
Jodi Sta. Maria

AFTER her break-up with her long-time actor-politician boyfriend na si Jolo Revilla in 2018, balik sa pagiging single ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria who acts as a single parent sa kanyang 14-year-old son na si Panfilo Lacson III or Thirdy, her son sa kanyang ex-husband na si Panfilo Lacson, Jr. or Pampi.

Pampi has a new partner now, ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto at meron na silang six year-old daughter na si Eve habang si Jolo naman ay nag-asawa na last December 15, 2019 sa dating beauty queen na si Angelica Alita.

Ang attention ngayon ni Jodi ay naka-focus kay Thirdy, sa kanyang showbiz career maging sa kanyang itinayong negosyo.

Unknown to many, si Baron Geisler ang unang naging showbiz boyfriend ni Jodi nung ginagawa pa nila ang hit afternoon teen-oriented TV series na “Tabing Ilog."

Si Baron ay nag-asawa na rin last September 12, 2019 sa kanyang non-showbiz wife na si Jamie Marie Evangelista at may anak na rin ang mag-asawa na isang baby girl na si Talitha Cumi na isinilang nung nakaraang January 20, 2020.

Samantala, malapit na ring mapanood si Jodi sa isang bagong panghapong TV series na pinamagatang “Ang Iyo ay Akin” where she portays the role ng bida-kontrabida.