John ‘di maganda ang lagay, ayon sa doktor

August 04, 2020
John Regala

NAKAKATUWA ang first  ex-wife ng actor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Scherrer) na si Au Manansala-Hunt, ina ng biological son ng actor na si John Paul Kieffer (25) na naka-base sa Mesa, Arizona, USA  dahil regular na itong tumatawag sa dating asawa para ito’y kumustahin at i-boost ang moral.  Nagpapadala rin siya ng tulong kahit papaano  sa may sakit na aktor at siya rin ang nagbabayad ngayon sa suweldo ng dati niyang yaya na si Bem Santillan  at mister nitong si Edrian Torres para alagaan si John. 

Last Sunday ay mugto ang mga mata ni Au nang ito’y aming makausap dahil nagkausap at nakita niya  (sa Facetime) ang kalagayan ng dating mister na hirap na hirap na pati sa pagsasalita ngayon.  

Dahil isa sa mga hinihiling ni John ay makita ang kanyang biological son na si John Paul Kieffer, gusto isponsoran ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ng round-trip ticket ang mag-inang Au at anak para lamang madalaw at makita nila ang aktor habang ito’y buhay pa.  Nag-commit din sa amin si Cong. Ronnie ng P20,000 na ayuda buwan-buwan na manggagaling sa kanila ni Sen. Lito Lapid.  Ito’y bukod pa sa cash na kanyang inabot nang personal kay John nang ito’y kanyang dalawin last weekend  sa tinitirfhang condo unit sa Central Condominium na pag-aari ng Iglesia ni Cristo.

Tumutulong din ngayon ang tanggapan ni Sen. Imee Marcos na ma-confine si John either sa National Kidney Center o Philippine Heart Center na full capacity ngayon dahil sa Covid-19 patients. Nag-signify din ng tulong ang tanggapan ni Sen. Win Gatchalian at iba pa.  Ang nakakatuwa, marami ring mga ordinaryong netizens ang nagpaabot ng tulong kay John kahit maliit na halaga.  Nauna nang nagparating ng tulong sina Raffy Tulfo, ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, Rep. Ronnie Ong, Sen. Lito Lapid, former Sen. Jinggoy Estrada at Ormoc Mayor Richard Gomez.

Malala ngayon ang kalagayan ni John dahil sa kumplikasyon ng liver cirrhosis illness.  Late Sunday afternoon ay muling dinalaw ni Dra. Melissa Sinchonco (Dra. Poch kung tawagin ng kanyang mga kaibigan at bahagi ng aming grupo) si John sa kanyang condo unit.

Narito ang medical report  ni Dra. Poch based on his last visit last Sunday afternoon:  Visited John because he was complaining of excruciating pain.  John’s recent blood chem results have come out and shows that his creatinine levels and liver functions are very bad.  The swelling of his feet is also caused by his liver’s lack of function.  He was brought to the hospital but later came out.  He is scheduled for more laboratory tests, as well as ultrasound,  In addition, John was also checked for COVID-19 in the hospital via rapid test to ensure his safety and of those caring for him.

Currently, John is being monitored closely and being given the necessary medical care he desperately needs.

We will continue to update everyone on John’s condition and hopeful improvement.

We are extremely thankful to everyone – friends and even strangers – who reached out, sent prayers, and donated (in cash and in kind) to help John get better.  John sends his love and gratitude to all of you.”  

Kahapon, Martes,  lahat ng mga hospitals na pinagdalhan kay John ay puno at ayaw siyang isama sa mga Covid-19 patients at walang rooms na available kaya walang choice kundi ibalik siya sa kanyang condo unit in Quezon City kahit namimilipit na siya sa sakit dala ng  kanyang nararamdaman.

Sa totoo lang, napakahirap ng sitwasyon ngayon ni John.

We can only hope and pray na sana’y madugtungan pa ang kanyang buhay.