John hindi binibitawan ng mga tumutulong

August 09, 2020

NATUTUWA kami kay Ang Probinsyano Partylist Representative na si Ronnie Ong dahil  hindi ito bumibitaw sa pagtulong sa may sakit na actor na si John Regala na kasalukuyang naka-confine sa National Kidney & Transplant Institute (NKTI) simula nung August 4 (Tuesday) ng gabi.  Kahit sa smallest detail about John ay involved ito maging ang mga congressional staff na sina Vina Pastor, CJ Licudine Dalen, Cel Parola at Maridon.  Kasama rin sa grupo namin sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus at ang FDCP chairperson na si Lisa Dino.

Malaking bagay din kay John ang araw-araw na pagtawag sa kanya ng kanyang first ex-wife na si Au Manansala-Hunt dahil sumisigla ito.  Au is also helping John sa financial needs nito.  Makukumpleto siguro ang kaligayahan ni John kapag nakausap na niya (kahit sa video call or Facetime) lamang ang kanyang biological son na si John Paul Keiffer na kasama ni Au at ng kanyang American husband na si Stephen Hunt.

Hindi naman napigilian ni John ang  umiyak nang umalis ang kanyang alalay na si Ted Imperial na 13 taong nagsilbi sa kanya.

Although may improvements na sa kalusugan ni John, wala pa ring kasiguraduhan kung kailan ito makakalabas ng pagamutan.