John Lloyd, Bea madalas makitang magkasama

February 19, 2020

ALTHOUGH wala pang mamuong romantic angle sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, maraming followers ang dalawa ang umaasa na sana’y sila na lang dalawa ang magkatuluyan balang araw.

Through the years, naging close na magkaibigan sina John Lloyd at Bea na naging loveteam sa telebisyon at pelikula.

Last Valentine’s Day ay magkasama sina John Lloyd at Bea sa live script reading ng “That Thing Called Tadhana” ni Direk Antoinette Jadaone.  So literally ay silang dalawa ang magka-‘date’ sa araw ng mga puso.  Namataan din ang dalawa na magkasama sa isa pang okasyon kung saan naman nila kasama ang kanilang common friend na si Baron Geisler.

Sina John Lloyd at Bea ay parehong single ngayon.  Hiwalay na si JLC kay Ellen Adarna kung kanino siya may isang anak na si Elias Modesto na magda-dalawang taon sa darating na June 27.  Habang si Bea naman ay na-involved sa isang controversial split up with actor Gerald Anderson nung isang taon.

Ngayong wala na sina John Lloyd at Ellen, mukhang desidido na ang art enthusiast actor sa kanyang pagbabalik-showbiz.  Dalawa ang lumulutang na project nagagawin umano ni JLC, ang kanyang reunion project with Bea na nakatakda umanong idirek ni Cathy Garcia-Molina na isa sa malalapit na kaibigan ng actor at ang tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao na nakatakda namang idirek ni Lav Diaz na isa rin sa mga paboritong director ni John Lloyd.  Sina JLC at Shaina ay magtatambal sa pelikulang “Servando Magdamag”.