John Lloyd at Bea nagpapalitan ng messages

April 19, 2020
Bea Alonzo & John Lloyd Cruz

NGAYON pa lamang ay kinikilig na ang respective fans nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa palitan ng dalawa ng mga nakakakilig na mensahe sa kanilang respective social media account.  Nagsimula ito nang mapansin ni Bea na nagba-browse si JLC sa kanyang Instagram account matapos  mag-react ang actor  sa kanyang February 2019 uploaded picture.

Naniniwala ang fans ng perennial TV and movie partner na nagkakatawagan ngayon ang dalawa matapos silang magsama nung February 14, 2020 sa live script reading ng “That Thing Called Tadhana” na pinagbidahan sa pelikula nina Angelica Panganiban at JM de Guzman muna sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone sa Art Fair Philippines in Makati.

Since then, muling nakita ang dalawa na kumakain sa isang restaurant kasama ang kaibigang actor ni John Lloyd  na si Baron Geisler.

May lumulutang na balita na muli umanong gagawa ng pelikula sina John Lloyd at Bea na magkatulong na pamamahalaan ng newly-engaged couple na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.  Ang hula ng iba, malamang si Direk Antoinette ang magsulat at si Direk Dan naman ang magdidirek.

Ang tambalan nina John Lloyd at Bea ay isa pinaka-successful in showbiz.  The couple was last seen sa hit movie na “A Second Chance” in 2015 and a reunion flick is in the offing.  But more than the reunion movie, umaasa ang mga fans ng dalawa na sana’y maging sila na sa totoong buhay lalupa’t pareho naman silang single ngayon.