John Lloyd at Bea walang masama kung magkatuluyan

April 28, 2020

SA gitna ng ECQ, mukhang si Bea Alonzo ang madalas na nakakausap ngayon ng nakapabasyon (from showbiz) na si John Lloyd Cruz.  Ang dalawa ay perennial screen partners sa telebisyon at pelikula at isa sa most successful screen loveteam  in showbiz.

Since parehong unattached ngayon sina John Lloyd at Bea, walang magagalit kay JLC kung mauwi man sa romantic relationship ang pagiging extra close ngayon ng actor sa ka-loveteam.

Ang ironic dito, magkasunod na nahiwalay  nung isang taon  sa kanilang respective partners nina JLC at Bea.  Si Bea kay Gerald Anderson habang si John Lloyd naman kay Ellen Adarna, ina ng kanilang love child na si Elias Modesto na magdadalawang-taon sa darating na June 17.