John Lloyd na-trap sa Cebu

April 14, 2020
 John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz

MUKHANG sa Cebu inabutan ng lockdown dahil sa Covid 19 ang actor na si John Lloyd Cruz matapos ma-suspend ang lahat ng  domestic flights nationwide nung March 15.

While in Cebu ay mas may oras siya sa kanyang almost two years old (on June 27) son na si Elias Modesto sa ex-girlfriend of more than two years na si Ellen Adarna.

John Lloyd is co-parenting Elias with Ellen na balitang may bago umanong boyfriend, isang Spanish guy na nagngangalang Carlos Lemus na nakitang kasama ni Ellen sa isang larawan.  Katunayan, may scheduled trip si Ellen sa Mayo patungong Madrid, Spain pero ang kanyang flight ay nakansela dahil sa Covid-19 pandemic.

While in Cebu, nakadalo ang mag-amang John Lloyd at Elias sa party ng  actor na si Mon Confiado sa isang beach resort in Cebu nung March 21.

Nakita rin si John Lloyd na nag-drive-thru sa isang kilalang fast food chain in Cebu  kung saan nagpa-selfie sa kanya ang cashier na big fan niya.

John Lloyd is ending his more than two years hiatus dahil meron siya bagong movie, ang “Servando Magdamag” mula sa script ni Ricky Lee at direksiyon ni Lav Diaz at kung saan naman may guest appearance ang kanyang ex-girlfriend na si Shaina Magdayao.

Lumulutang din ang reunion movie project nila ng kanyang perennial TV and movie screen partner na si Bea Alonzo.

Matuloy din kaya ang plano ni Direk Cathy Garcia na gusto umano nito na ang kanyang last movie na gagawin sa Star Cinema bago siya huminto sa pagdidirek  para mag-migrate sa New Zealand with her family ay si John Lloyd ang lead actor?

Samantala, umaasa naman ang followers ni John Lloyd na  magtuluy-tuloy na  ang pagbabalik-showbiz nito.