John Lloyd, so commercial lang magbabalik

April 05, 2019

KAHIT sa isang product endorsement lamang muna magbabalik ang ‘on leave’ sa showbiz na si John Lloyd Cruz, marami pa rin ang natuwa sa pag-asang babalikan dito nito eventually ang kanyang showbiz career.

Hindi maikakaila na parehong ini-enjoy ni JLC at ng kanyang partner na si Ellen Adarna ang kanilang simpleng buhay sa Cebu (hometown ni Ellen) kasama ang kanilang almost one-year-old son na si Elias Modesto.

Last April 2 ay namataan sina JLC at Ellen kasama ang kanilang anak na bumisita sa puntod ng namayapang ama ni Ellen na si Alan Modesto na sumakabilang-buhay nung May 31, 2018.  Sa ama ni Ellen isinunod ang second name ng first born nina JLC na si Elias Modesto.

Sa October 2019 ay magda-dalawang taon nang tumigil sa showbiz ang dalawa at mas pinaboran ang kanilang buhay away from the limelight.