John lumabas na ng ospital, kailangan ng adequate nursing care

August 12, 2020
John Regala

LUMABAS na kahapon , August 12 araw ng Miyerkules ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang actor na si John Regala matapos ang mahigit isang linggong  confinement dahil sa severe pain na kanyang nararanasan sa kanyang gouty arthritis, cirrhosis of the liver, diabetis at iba pa niyang sakit.  May history rin si John ng mild stroke kaya hirap siyang magsalita or slurred speech.

Kung kami lamang sana ang masusunod, gusto sana naming mag-stay pa si John ng ilang araw pa sa pagamutan until  he becomes better and stronger pero restless si John na sa unang araw pa lamang ay gusto nang umuwi.

Sinabi sa amin ng attending physician ni John na si Dr. Jaime Ignacio na kailangan ni John ng magandang home environment.

“His home environment should be well adapted to adequate nursing care with mobility and physical support, administration of medicines, monitoring his diet and psychological support.  That is the best way to help him at this time,” text sa amin ni Dr. Ignacio.

Unfortunately, ito ang hindi namin ma-assure sa doctor ni John dahil wala itong ibang kasama sa bahay except yung kasa-kasama niya sa hospital  na kami pa ang nag-provide.

Habang binubuo namin nina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus ang pambayad sa hospital bills ni John, muling nagpahabol ng tulong pinansyal si Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong maging si FDCP chairperson Liza Dino na hindi rin bumitaw sa aming grupo na tumutulong kay John.  Hindi rin nagpabaya ang first ex-wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt.

Ngayong nakalabas na si John, natatakot kami na baka bumalik na naman sa dati  ang mga iniindang sakit ng actor bago siya nadala sa pagamutan kung hindi nito mapangangalagaang mabuti ang kayang sarili at kalusugan lalupa’t wala itong pamilya o kamag-anak na nag-aalaga sa kanya ngayon.

But I guess, we’ve done our part.