John matapos tulungan, gustong magpasiya sa sarili

August 15, 2020
John Regala

ULILA nang lubos ang may sakit na actor na si John Regala, 55.  Ang tunayniyangpangalan ay si John Paul Guido Boucher Sherrer, isang Filipino actor na may French and German descent dahil sa kanyang yumaong mga magulang.

Nung nabubuhay pa ang kanyang biological father, ang dating actor na si Mel Francisco (screen name) ay never nagkaroon ng father and son relationship ang dalawa.  Mag-isang itinaguyod si John ng kanyang ina, ang dati ring actress na si Ruby Regala (screen name) na sumakabilang-buhay sa Washington, DC nung nakaraang January 11, 2020 dahil sa brain humor.  John was so devastated sa pagyao ng kanyang pinakamamahal na ina.  His mother died at a time na may pinagdadaanan din siya sa kanyang kalusugan.  He is so depressed dahil sa kanyang deteriorating health at walang-wala rin siya dahil matagal na siyang walang pinagkakakitaan.

John got married at an early age.  He was 26 at 16 naman ang kanyang unang wife na si Aurina Alvarez Manansala, apo ng national artist na si Vicente Manansala.  Ang mag-asawa ay nagkaroon ng isang supling, ang 25-year-old nangayongsi John Paul Kieffer nakasamani Au sa Amerika ngayon.

Wala ring magandang memory si Kieffer sa kanyang ama kaya lumaki ito na malayo ang loob kay John.  Pero with our prodding and not giving up, ang pinakakaasam-asam ni John na makausap man lamang ang anak (sa video call) ay nangyari nung nakaraang Linggo ng hapon (Philippine time) kung saan kasama pa ni Kieffer ang kanyang nakabalikang girlfriend na si Ursula.

Wala kaming hinihintay na kapalit sa pagtulong kay John kasama nina Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong, Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson Liza Dino, ang actress-entrepreneur na si Nadia Montenegro at actor nasi Chuckie Dreyfus.  Ang nakakatuwa, marami ang tumulong both prominent personalities in showbiz at pulitika.  May nag-donate din ng wheelchair for him.

Ngayong nakalabas na ng pagamutan si John, wala kaming assurance sa kanyang tuluyang paggaling dahil may sarili itong agenda sa kanyang sarili.

Like what we have already said, we can only do so much.