John na-ngangai-langan ng tulong

March 05, 2020

Sa pamamagitan ng aming column, gusto naming manawagan ng tulong sa mas nakakaangat sa  buhay na mga kasamahan niya sa industriya para sa 54-year-old actor na si John Regala  na may sakit ngayon at nangangailan ng financial help para makapagpagamot.

At the  recent wake of his late mother, ang dating actress na si Ruby Regala, nakiusap si John sa
inyong lingkod sa ipaabot ang kanyang paghingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan sa industriya lalung-lalo na kay Coco Martin.

Gustuhin man ni John na magpagamot ay kapos ito ngayon.  Hirap na ring kumilos at magsalita si John.

Sana makaabot kay Coco ang panawagan ni John na minsan nang tinulungan ng actor, director at movie producer nang ito’y kanyang i-guest sa kanyang top-rating and long running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” a couple of years ago.  `Yun na rin ang nagsilbing last TV appearance ni John.

Sa pagkawala ng kanyang inang si Ruby Regala, ulila nang lubos si John.  Nauna nang sumakabilang-buhay ang kanyang estranged father, ang dati ring actor na si Mel Francsico.

Si John ay may French blood mula ang kanyang inang si Ruby  na Boucher ang apelyido at may dugong German naman ang kanyang amang si Mel na Sherrer ang real family name.

John’s real name is John Paul Guido Boucher Sherrer.