John nakausap na ang anak na nasa Amerika

August 11, 2020
 John Paul Kieffer, Ursula Hosteen and john Regala
John Paul Kieffer with girlfriend Ursula Hosteen while doing a video call with john Regala

NATUPAD nang finally ang pangarap ng may sakit na actor na si John Regala na makausap (on Facetime) ang kanyang estranged biological son na nasa Amerika na si John Paul Kieffer.  Ito’y nangyari nung Sabado ng gabi (American time) at Linggo ng hapon sa Pilipinas.

Ang 25-year-old na si Kieffer ay kasama ng kanyang ina, ang ex-wife ni John na si Aurina Manansala-Hunt with her American husband na si Stephen Hunt sa Mesa, Arizona, USA.

Kiefer was barely five years old nang huling makita ng kanyang amang si John.  Sandali namang nagkausap ang dalawa in 2018 pero `yun na ang una’t huli nilang pag-uusap.

Alam ni John na malayo ang loob sa kanya ng kanyang anak.

Sa tulong ng social media ay madali naming natunton ang ex-wife ni John na si Au na naging warm at very cooperative simula nung una naming nakausap.  Since then ay araw-araw na namin itong nakakausap (on Facetime) at araw-araw din itong tumatawag kay John para palakasin ang loob nito.  Hindi rin ito nagkait ng pinansyal na tulong sa dating asawa kahit mahigit dalawampung taon na silang hiwalay at may sarili nang buhay si Au sa Amerika.

Sa simula ay lukewarm si Kieffer na kausapin ang kanyang ama.  Pero pinakiusapan namin si Au na kausapin nang masinsinan ang anak at tumulong din ang American husband ni Au na si Stephen Hunt na kumbinsihin si Kieffer kaya eventually ay lumambot din ito at kinausap na rin ang ama.  Kasama pa ni Kieffer ang kanyang nakabalikang American girlfriend na si Ursula Hosteen nang mag-Facetime sila ng ailing actor.  Natural, nasorpresa si John at hindi nito napigilan ang maging emotional pero sa kalaunan ay naging sobra itong masaya.

Samantala, we are very positive that John is on his way to recovery pero matagal itong proseso.  Kailangan ding tulungan ni John ang kanyang sarili.

Ngayon pa lamang ay gusto naming pasalamatan ang kanyang mga doctors sa pangunguna ng kanyang attending physician na si Dr. Jaime Ignacio, ang mga nurses na patuloy na nag-aalaga kay John.  Kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong na hindi bumibitaw hanggang ngayon, sina Vina Pastor, CJ Licudine Dalen, Cel Parola, FDCP Chairperson Liza Dino, Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Dra. Mel Poch at lahat ng nagpadala ng tulong for John at kasama na rito sina Sen. Bong Revilla, ang mag-asawang Vic Sotto and Pauleen Luna, Sen. Lito Lapid and son Mark Lapid, Sen. Imee Marcos, AKTOR president Dingdong Dantes, Vice Governor Imelda Papin, Mayor Richard Gomez at marami pang iba kasama na rito ang maraming hindi namin kilala.