John tinanggihan ng ibang ospital, nasa NKTI na ngayon

August 05, 2020
John Regala

ACTOR John Regala was in excruciating pain when he was brought to several hospitals nung nakaraang Martes ng umaga pero sa kasamaang palad ay walang tumanggap sa kanya dahil puno  lahat ang emergency rooms (both government and private) dominated by Covid-19 patients.  Walang nagawa ang pobreng actor kundi tiisin ang sakit na kanyang nararamdaman sanhi ng kumplikasyon ng liver cirrhosis, diabetes at iba pa.  Ultimo pain reliever ay walang makapag-administer sa kanya kaya napilitan siyang bumalik sa condo unit na kanyang tinutuluyan  kasama ang isang kaibigang nag-drive sa kanya at dalawang personal aides na si Bem at Teddy.  Pero hindi kami huminto ng paghahanap ng hospital na maaaring tumanggap sa actor.  

May sariling viber group kami nina Rep. Ronnie Ong at FDCP chair Liza Dino, Nadia Montenegro, Vina Pastor (head ng Congressional Spouses Foundation) at ibang staff ng Ang Probinsyano Partylist representative na sina CJ Licudine Dalen at Cel Parola.  Agad nag-message si Cong. Ronnie na ginawan na ng paraan ng kanyang staff na maipasok si John sa National Kidney  and Transplant Institute (NKTI).  Immediately, Nadia contacted her volunteer friends from Philippine Navy na siya namang agad tumugon para madala sa NKTI ang ailing actor.

Just like other hospitals, punumpuno rin ang NKTI ng mga pasyente including Covid-19 patients.  John had to be brought to a  separate make-shift (tent) ER pending his transfer to his room dahil hinintay pa ang resulta ng iba’t ibang tests including swab test.  But in fairness, he was attended to by doctors na pinangunahan nina Dr. Jaime Ignacio and Dr. Jade Jamias at iba pang doctors and nurses.

May protocol ang hospital na kailangang i-swab test lahat ng patients na kanilang tinatanggap.

John was also referred to pain management to address his pain.  Gumagaan din ang pakiramdam ni John kapag nakaka-video call (Facetime) niya ang kanyang first ex-wife na si Au Manansala-Hunt, ang ina ng biological son ni John na si John Paul Kieffer (25).

Gusto sana ni Au at ng kanyang anak na si Kieffer na dalawin si John sa Pilipinas pero dahil sa Covid-19 pandemic ay nagda-dalawang-isip ang mag-ina.

Samantala, mas kampante kami na nasa pangangalaga ngayon si John ng NKTI.

Samantala, patuloy po kaming tumatanggap ng pinansyal na tulong for John sa pamamagitan ng BDO Account No. 002030228830.  As of yesterday ay nagpaabot na rin ng donasyon ang mag-amang Sen. Lito Lapid at Mark Lapid maging ang AKTOR group na pinamumunuan ni Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes.