Jojo bukod sa pagiging YT creator, naging repairman

July 28, 2020

INAMIN  ng 54-year old dancer-actor-host na si Jojo Alejar na naging productive umano siya during the lockdown.

Ayon kay Jojo, bukod sa paggawa ng Youtube videos, naging instant repairman umano siya sa bahay at nagkaroon pa siya ng bonding moments with his wife and four children.

“Ako kasi, I’m a very positive person.  I will always look at the positive side of things kesa mag-worry,” ani Jojo na naging bahagi rin noon sa youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno.

“I owe it all to Kuya Germs kung anuman ako ngayon.  He paved the way to a lot of young talents noon,” dugtong pa ng nakababatang kapatid ng veteran actor na si Toby Alejar.