Jolina at Marvin, muling magtatambal sa pelikula

March 17, 2019
Jolina Magdangal, Marvin Agustin

NATUTUWA ang fans ng dating magka-loveteam na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin dahil muling magtatambal ang kanilang mga idolo sa isang pelikula. Huli silang nagkasama sa isang teleserye ng ABS-CBN, ang “Flordeluna”na dinirek ng yumaong si Wenn Deramas at tumagal sa ere from December 2014 to August 2015.

Ang reunion movie nina Jolina at Marvin ay nakatakdang i-produce ng magkasintahang Dan Villegas at Antoinette Jadaone na nagtatag na rin ng sarili nilang production outfit, ang Project 8 Corner San Joaquin Projects.

The still untitled reunion movie nina Jolina at Marvin ay nakatakdang ilahok sa darating na 2019 Metro Manila Film Festival.

Ang team-up nina Jolina at Marvin ay nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN sa pamamagitan ng ng teen program na “Gimik” kung saan nagsimulang mabuo ang kanilang tambalan.

During the 90’s ay isa ang tambalan nina Jolina at Marvin sa pinaka-sikat. Hindi man nagkatuluyan sa totoong buhay ang dalawa, nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon.

Si Marvin ay may kambal na anak na sina Santiago at Sebastian sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Tetet Dy na nagmula sa pamilya ng mga pulitiko. Isa na rin itong successful restaurateur.   Si Jolina naman ay may sarili nang pamilya.  Ang kanyang mister ay si Mark Escueta, isa sa founding members ng Bamboo Band at may dalawa nang anak ang mag-asawa, sina Pele at Vika.  Si Jolina ay napapanood from Monday thru Friday sa pamamagitan ng morning show ng ABS-CBN, ang “Magandang Buhay” kung saan niya co-hosts sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.