Jolo engaged na sa beauty queen?

April 24, 2019
Jolo Revilla

MAY mga naghihinala na engaged na si Jolo Revilla sa kanyang girlfriend, ang beauty queen na si Angelica Alita.

Sa isang Instagram post, makikita si Angelica kasama ang ilang kaibigan na nagkakasiyahan habang nakahawak siya sa mukha na parang ipinakikita ang isang diamond engagement ring.

May mga litrato rin sila sa isang yate habang sweet na sweet.

Mukhang okey na rin si Angelica sa pamilya ni Jolo na nagpakuha pa ng picture kasama ang dalaga.

Magkasundo raw ang dalawa dahilan sa pareho silang adventurous. Noong isang taon, diumano'y magkasamang nag-hike at umakyat ang dalawa sa Hollywood sign sa Los Angeles kahit na ipinagbabawal ang pag-akyat doon.

Mabuti na lang at hindi naman bawal ang kanilang pag-ibig dahil kahit may anak si Jolo, matagal na rin silang hiwalay ni Jodi Sta. Maria.