
Jolo, inamin ang relasyon kay Rhian!
Leading lady ni Jolo Revilla si Rhian Ramos sa action trilogy movie na Tres para sa episode na 72 Hours kaya hindi maiwasang ma-link ang dalawa sa isa’t isa at bigyan ng kakaibang kulay ang kanilang closeness.
Single ngayon si Rhian at kakahiwalay din lang ni Jolo sa kanyang showbiz girlfriend for 8 years na si Jodi Sta. Maria.
May na-develop ba sa kanilang dalawa habang ginagawa nila ang Tres?
“Kayo talaga,” nakangiti niyang reaksyon sa tanong.
“We’re good friends and… pero hindi n’yo din naman masisisi, maganda siya, mabait. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya?
Pero siyempre, sa bawat pinagdadaanan namin sa buhay, mas magandang dahan-dahanin natin. Huwag nating mamadaliin yung kung anuman, di ba?
Ako siyempre kakahiwal ay ko lang, kakahiwalay lang niya… siguro. Hindi naman imposible, we’re good friends,” patuloy niyang paliwanag.
Nagbigay din ng reaksyon si Rhian sa pagkaka-link niya sa leading man sa 72 Hours.
Aniya, “In-expect ko naman din matsismis. Hindi naman ako nagulat, part na siya ng trabaho ko. Nung nabalitaan ko nga na single na si Jolo, sabi ko, ‘Ay naku, ‘eto na yon, marami nang magsasabi na may kinalaman ako.’ Pero ayun, parang part lang siya, di ba.”
Masaya rin daw siya sa friendship nila ngayon ni Jolo.
“I’m grateful dahil totoo yung friendship namin. Totoo yung pinakita namin sa isa’t isa na he’s very easy to get along with and it was easy opening up to each other about certain things in our lives. Pero anything beyond that is not something…
“ I don’t kow if he is ready for anything beyond that but I’m definitely not. So, hindi din naging consisderation na turn it into anything more tha a friendship,” eksplika niya.
Showing na ang Tres sa Oct. 3 mula sa Imus Productions na ire-release ng Star Cinema. Kasama rin sa action trilogy ang episode na Virgo na pinagbibidahan ni Bryan Revilla at ang Amats ni Luigi Revilla.