Jolo, Jodi lalong lumabong magkabalikan

February 24, 2019
Jolo Revilla & Jodi Sta. Maria

KUNG masaya ngayon ang puso ng actor-politician na si Jolo Revilla dahil sa kanyang bagong kasintahan at inspiration, ang 2016  first runner-up sa Bb. Pilipinas na si Angelica Alita, mag-isa namang nag-celebrate ng Valentine’s day ang ex-girlfriend-actress niyang si Jodi Sta. Maria sa South Africa particularly Johannesburg and Mozambique.

Kadalasan,  ang 13-year-old son (sa ex-husband na si Pampi Lacson) na si Thirdy ang travel buddy ng actress, but this time, Jodi opted to  travel alone. And she loved it dahil doon niya nahanap ang kakaibang peace ng kanyang puso and her relationship with God. Ayon na rin kay Jodi, bumalik siya ng Pilipinas na refreshed, renewed and inspired.

It was mid last year nang maghiwalay for the second time sina Jodi at Jolo.

Nang ilantad na ni Jolo ang kanyang bagong kasintahan, doon lamang nagkaroon ng finality na malabo na silang magkabalikang muli ni Jodi.  Pero sa kabila nito, mas focused ngayon si Jodi sa kanyang showbiz career, sa pag-aaral na malapit na niyang matapos, sa itinayong negosyo at higit sa lahat, sa pagiging ina ni Thirdy.