Jon ipinagdiwang ang "pinakamasayang birthday"

August 21, 2020
Jon Lucas

NOONG August 18, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Kapuso actor na si Jon Lucas.  

Pagbabahagi niya sa Instagram, ito raw ang pinakamasayang birthday niya, “Sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok na ito sa buhay, ang masasabi ko lang, ito ang pinakamasayang taon ng birthday ko. Nakita ko ang totoo kong kayamanan, pamilya at mga kaibigan. Kaya naman, salamat sa mga pagbati n'yo sa akin. Salamat din sa mga tao na nagpadala ng makakain. Salamat sa pagmamahal n'yo sa akin kahit hindi ko ito natumbasan kahit kailan. Higit sa lahat, maraming salamat sa Diyos sa panibagong taon na dinagdag niya sa akin. Masaya ako guys! SALAMAT."