Jon may mga bagong gagayahin

January 24, 2019
Jon Santos
Jon Santos

ANG stand-up comedian-actor na si Jon Santos ay isa na yata sa pinaka-successful (if not the most successsful) sa pagi-impersonate ng kilalang political figures at showbiz personalities.

Ang Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos ang isa sa mga classic impersonation na ginawa ni Jon.  Nariyan din ang characters ng dating First Lady na si Imelda Marcos, ang namayapang senador na si Miriam Defensor-Santiago, former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, former Senate President Juan Ponce Enrile, ang broadcast journalist na si Korina Sanchez at marami pang iba.

Jon is best known sa kanyang political satire acts at updated siya sa mga bagong characters na kanyang ii-spoof tulad nina Pangulong Rodrigo `Digong’ Dueterte at American President na si Donald Trump.  Maging ang character ni Mocha Uson ay kasama na rin.

Ang mga dati at bagong characters na bibigyang-buhay ni Jon on stage ay matutunghayan sa darating na February 13, 8 p.m.  sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.  Billed as “Jon Santos: TRUMPERTE Atbp.,” magiging special guests ni Jon ang dalawa pang kilalang impersonators at stand-up acts na sina Marissa Sanchez at Eric Nicolas.

Samantala, ang number one fan and supporter ni Jon ay ang kanyang partner (husband) na si West Stewart. Ang dalawa ay ikinasal nung August 24, 2005 sa North York Family Church in Toronto, Canada kung saan tanggap ang same-sex marriage.