Jon nakaligtas din sa COVID

August 19, 2020
Jon Lucas

SA kanyang 25th birthday last August 18 (Tuesday), naging birthday wish ng Kapuso actor na si Jon Lucas ang  magkaroon ng magandang kalusugan hindi lamang niya at ng kanyang pamilya kundi para sa lahat laluna ‘yung dumaranas ngayon ng Covid-19 na kanyang nalagpasan.

Sobrang nagpasalamat si Jon sa tuluyan niyang paggaling sa coronavirus dahil makakasama pa niya nang matagal ang kanyang pamilya laluna ang kanyang two-year-old son na si Brycen Christian sa kanyang dancer-wife na si Shy Feras.

Si Jon ay dating kapamilya actor at naging bahagi ng all-male dance group na Hashtags bago ito lumipat ng TV network (GMA) nung isangtaon.

Si Jon ay kasama sa cast ng local remake ng Koreanovela na “Descendants of the Sun” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.