Joseph may bagong lovelife

August 06, 2020

MASAYA ngayon ang paligid sa Kapamilya actor na si Joseph Marco dahil in love na naman ito ngayon.

Nag-share si Joseph sa kanyang Instagram account ng photos kung saan niya kasama ang kanyang present Russian girlfriend na nagngangalang Dasha Romanova.  Hindi pa nagsi-share ang actor ng details kung saan sila nagkakilala ng kanyang bagong kasintahan.  Hindi rin maliwanag kung nasa Pilipinas o nasa ibang bansa ang girl.

Huling naging kasintahan ni Joseph ay ang 2018 Miss Earth Philippines na si Celeste Cortesi.