Joshua sa Tarlac na maninirahan kasama si ex-President Noynoy

August 06, 2020

TWENTY five years old na ang panganay na anak ni Kris Aquino sa veteran actor na si Phillip Salvador na si Joshua.

Kamakailan lamang ay kinausap ni Joshua ang kanyang ina na gusto umano nitong mamuhay sa kanilang hacienda sa Tarlac kasama ang kanyang uncle, ang dating Pangulong Noynoy Aquino who is very close kay Joshua.  Pinagbigyan naman ni Kris ang kahilingan ng kanyang panganay. 

Si dating Presidente Noynoy ang tumayong father figure ni Joshua kaya hindi maipagkakait ng TV host-actress ang hiling ng anak.

Ang bunso niyang anak na si Bimby (sa ex-husband na si James Yap) na lamang ang kasama ngayon ni Kris na malapit nang magsimula sa kanyang comeback TV program, ang “Love Life with Kris” na mapapanood sa TV5.

Bimby  who is James Carlos Aquino Yap, Jr. is 13 years old.

Samantala, ang pagbukod ng tirahan ni Joshua with his mom at younger sibling na si Bimby ay unang beses na mahihiwalay siya sa anak matapos itong isilang nung June 4, 1995.