Judy Ann magiging abala sa dalawang pelikula

February 10, 2020
Judy Ann Santos

DALAWA ang  pelikula ang gagawin ni Judy Ann Santos ngayong 2020, ang Mother at ang Embracing The Gift, isang libro na halaw sa mga tunay na karanasan ng parapsychologist na si Jinky Amores.

Ang Mother ang life story ni Regal Entertainment Inc. producer Mother Lily Monteverde at uumpisahan ang shooting nito sa March 2020.

Isang bioflick din ang ang Embracing The Gift dahil tungkol  sa buhay ni Jinky na may abilidad na makipag-usap sa mga ispirito at makatulong sa paglutas ng mga kaso na misteryoso.

Si Erik Matti ang direktor ng Mother at ng Embracing The Gift na plano naman na umpisahan ang shooting sa last quarter ng 2020 para hindi magkaroon ng conflict sa schedule ni Judy Ann.

“When we got the book, kasi mahilig kami ni Dondon sa horror pero we always find it difficult to source out material through imagination lang na ginagamit namin.

“Pero this time around, when we got the book, sobrang kapal ng laman. Ang daming kuwento and because it comes from something real,very refreshing.

“Ang hirap na ngayon sa mga tao na maniwala kung kunyari naisip mo lang tapos ikukuwento mo sa pelikula pero for this one, we’re excited kasi alam namin na may pinanggagalingan siya na totoo,” ang excited na paliwanag ni Matti tungkol sa life story ni Amores na gagawin na pelikula ng Reality Entertainment.