Judy Ann sa ‘Ang Probinsyano,’ may pinaghahandaan

July 17, 2019
Coco Martin and Judy Ann Santos
Coco Martin and Judy Ann Santos

MUKHANG wala pa sa immediate plans na magpaalam sa ere ang top-rating at long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng drama king na si Coco Martin.

Bakit nga naman aalisin ang isang programa na  patuloy na sinusuportahan ng mga manonood at advertisers?

Siguradong may pressure din kay Coco at sa mga tao sa likod ng “Ang Probinsyano” kung paano nila mapapanatili ang interes ng mga manonood.

Isa sa mga araw na ito ay mapapanood sa serye ang drama queen na si Judy Ann Santos at isa ito sa inaabangan ng publiko.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa isang bagong serye at pelikula si Juday kaya sabik siyang mapanood ng kanyang mga tagasubaybay.

May solo serye si Juday na pinagtatambalan nila ni Raymart Santiago (na kasali rin sa “Ang Probinsyano”), ang “Starla” kaya malamang na sa “Ang Probinsyano” lutuin ang unang  tambalan ng dalawa.

Habang patuloy na nalalagasan ang serye ng ibang characters ay patuloy naman itong nada-dagdagan ng bagong characters kaya malamang na ma-extend pa ang serye beyond September na siyang 4th anniversary ng programa.