Julia binati ng mga kaibigan, liban kay Coco

March 21, 2020
Coco Martin and Julia Montes

JULIA Montes turned 25 last Thursday, March 19 at binati siya ng marami niyang mga kasamahan at  kaibigan sa industriya including Claudine Barretto, Dimples Romna at Claudine Barretto.  Pero ang inabangan ng marami  ay ang pagbati sa kanya ng  rumored boyfriend na si Coco Martin.

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring sikreto ang relasyon nina Coco (38) at Julia kahit napabalita nung isang taon na nagsilang umano si Julia ng kanilang baby ni Coco bagay na hindi pa rin kinukumpirma ng dalawa.

Ang special reltionship nina Coco at Julia ay nagsimula sa hit primetime TV series na “Walang Hanggan” in 2012.  Muling ipinalalabas ng ABS-CBN ang naturang series sa panahong ito.