‘Kadenang Ginto’ muling ipalalabas

August 18, 2020

ANG top-rating afternoon TV series na “Kadenang Ginto” na nagtapos sa ere  nung February 7, 2020 na tumagal sa ere nang mahigit isang taon ay muling mapapanood simula sa daratingna Sabado (Aug. 22) and Linggo (Aug. 23) sa iba’t ibang ditigal and online platform ng Kapamilya Network (Kapamilya Channel Online Live, ABSCBN Entertainment on YouTube at ABSCBN Network on Facebook) every Saturday at 7:20 p.m. and Sunday, 7:15 p.m. thereafter. 

Ang “Kadenang Ginto” ay tinampukannina Beauty Gonzalez, Andrea Brillantes, Francine Diaz at Dimples Romana at kung saan din tampok sina Albert Martinez, Adrian Alandy, Richard Yap at iba pa.  Ito’y magkakatulong na dinirek nina Jerry Lopez Sineneng, Avel Sunpongco, Jojo Saguin, John Lapus at Darnel Villaflor.  Sa nasabing serye rin nabuo ang loveteam nina Francine Diaz at Kyle Echarri at Andrea Brillantes at Seth Fedelin.