Kaladkaren nag-pay off ang panggagaya kay Karen

March 02, 2019

KUNG gugustuhin ng pamunuan ng News & Current Affairs ng ABS-CBN, puwedeng mag-pitch in sa look-alike ng veteran news actor at TV host na si Karen  Davila si Jervi Li na mas kilala ngayon as Kaladkaren kapag absent   ang sikat na news anchor and host na si Karen dahil kayang-kaya itong gayahin ni Kaladkaren.

Nag-pay off ang panggagaya ni Kaladkaren sa idol niyang si Karen dahil isa na siya ngayong mainstay sa early morning show ng Kapamilya Network, ang “Umagang Kay Ganda” o UKG.

Unang nagkita nang personal ang dalawa nung September 2017. Si Jervi o si Kaladkaren ay grumadweyt din ng U.P. (University of the Philippines) kung saan din nagtapos si Karen na tuwang-tuwa at proud sa kanyang impersonator at look-alike.

Maganda siguro kung pagsasamahin sa isang TV program ng ABS-CBN ang dalawa.

Kung si Karen ay happily married kay DJ Sta. Ana at may dalawa na silang anak (na sina Lucas Emmanuel at David Joshua), si Kaladkaren naman ay masaya rin in a relationship with her/his British boyfriend limang taon na.  The `couple’ is carrying a long-distance relationship.