Kanta ng top EDM artist, namamayagpag sa Spotify Philippines

April 28, 2020

Umaariba ang career ng top EDM artist na si Jace Roque. Matapos ang tagumpay ng kanyang huling single na “Day and Night” (na umabot sa No. 8 sa iTunes Philippines at napasama sa iba’t ibang Spotify playlists), nagbabalik si Jace sa pamamagitan ng bagong kantang “Forever.”

Espesyal ito kay Jace dahil ito ang kauna-unahan niyang Taglish single.

Lahat ng nakaraan niyang single — kasama na ang “Day and Night,” “LOVE” at “Sober”— ay pawang Ingles.

Ani Jace, matatawag na multi-genre ang “Forever.”

“It blends dance, EDM, hip-hop, Latin, pop, R&B and reggae into one cohesive sound, but it’s still on brand with my identity and style as an artist. I always incorporate different genres into my songs, but this is the most musically diverse of all my releases.”

Ang “Forever” ay tungkol sa paniniwala ni Jace na dapat kontrolado natin ang kapalaran sa pag-ibig.

Ayon pa sa kanya, hindi dapat iasa sa destiny o fate ang ating lovelife.

“A lot of people believe that if it’s meant to be, it will be,” sabi ng singer-songwriter. “But the truth is, you can’t just dream about forever. You've got to work hard to earn it.”

Sa huling relationship ni Jace, ginawa niya ang lahat para magtagal sila ng nobya. Pero nag-break din sila.

“I can’t really say too much about it, because I don’t want to be unfair to the other person. But on my end, I really tried to make things work. That’s the kind of guy I am when I’m in a relationship. I don’t give up easily, and I always acknowledge my shortcomings and strive to be the best version of myself,” giit niya.

Sa ngayon, nakatutok siya sa music career niya, pero bukas naman siya sa posibilidad na magmahal muli.

Matagal na si Jace sa showbiz. Isa siyang independent artist na walang backing ng major record label o management team.

Sa ngayon, umani na ang mga kanta niya ng 1.5 million total streams across all platforms.

Katunayan, napasama na ang “Forever” sa New Music Friday playlist ng Spotify Philippines.

“Longevity is something I’m working really hard to achieve. I’m now on my 12th year in the industry, and all the hard work and perseverance I’ve put in is no joke. It can be tiring at times, but I always remind myself why I wanted to pursue music in the first place. It’s because I want to express myself. I’ve always been a very artistic person, and I don’t see myself doing anything else with my life,” ani Jace.