Kapatid ni Jobelle nangangailangan ng tulong

April 25, 2020

ANG nakatatandang kapatid ng actress na si Jobelle Salvador na si Jonathan Salvador ay kasalukuyang naka-confine sa Makati Meical Center matapos itong sumailalim ng operasyon due to preceptal cellulitis.  Diabetic din siya at half blind.

Si Jonathan ay inabutan ng enhanced community quarantine matapos itong dumating ng Pilipinas galing Las Vegas, Nevada para magbakasyon at asikasuhin na rin ang kanyang travel documents.  Sa Maynila siya inabutan ng kanyang sakit and was rushed to the hospital.  Ang kanyang hospital bill ay umabot ng mahigit P300,000 at naubusan na siya ng pera.  Si Jobelle ay nasa Las Vegas ngayon kaya walang nag-aasikaso sa kanyang kapatid na hindi makalabas ng pagamutan dahil sa kanyang bayarin when he is supposed to have been discharged five  days ago.

Although maraming mga kamag-anak si Jobelle sa Pilipinas na nagmula sa Salvador clan, minabuti na lamang niya ang mag-fund-raising for his brother na makalabas na ito ng pagamutan sa pamamagitan ng Jonathan Salvador’s Medical Fundraiser.

Ang donasyon ay maaaring idiretso sa BDO Savings Account No. 001430167813 o sa pamamagitan ng Paypal, Zell or Venmo.  Ang email address ni Jobell ay jls_intl@yahoo.com.

Samantala, ang isa pang nangangailangan ng financial help and medical attention ay ang actor na si John Regala now suffering from cirrhosis of the liver.

Ang gustong tumulong kay John ay mangyari lamang magpadala sa kanyang Metrobank Account No. 361-3-361-18287-2 under John Paul Guido B. Scheerer, John’s real name.