Kapatid ni Mayor Herbert malapit pa rin kay Kris

February 20, 2019

KAHIT naudlot ang relasyon ng actor at Quezon City Mayor na si Herbert Bautista sa host-actress at entrepreneur na si Kris Aquino, nagpapasalamat pa rin ang bunsong kapatid ni Mayor Bistek (Herbert) na si Harlene Bautista sa nanay nina Joshua at Bimby dahil nagpa-block screening umano si Kris nang ipalabas ang award-winning Metro Manila Film Festival movie na “Rainbow's Sunset” bilang suporta ni Kris sa movie at kay Harlene na siyang producer ng pelikula.

Although kagagaling lamang ni Harlene sa isang major break-up nang magkahiwalay sila ng kanyang husband of 19 years na si Romnick Sarmenta last year, umaasa naman ang dating child actress na maging masaya ang puso ng kanyang Kuya (Herbert) at maging ni Kris na nananatiling malapit sa pamilya Bautista.

Samantala, inilalantad na ni Romnick ang kanyang bagong non-showbiz girlfriend at inamin naman ni Harlene na merong bagong nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.  Pero sa kanilang statement before na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ay sinabi ng dating mag-asawa na wala umanong third party sa kanilang break-up.

Ganun?

Samantala, nananatili umanong magkaibigan ang dalawa alang-alang sa kanilang limang anak.