'Kaputol' isasali sa India filmfest

February 20, 2020

SINA MacArthur  Alejandre at Ricky Lee ang dalawa sa mga personalidad na dumalo sa premiere night ng Untrue noong February 17 sa Estancia Mall Cinema bilang suporta sa direktor na si Sigrid Andrea Bernardo.

Nakausap namin si MacArthur  bago nagsimula ang screening ng suspense-thriller-drama movie nina Cristine Reyes at Xian Lim.

Masaya niyang ibinalita na in competition sa isang film festival sa India ang Kaputol, ang  dinirek niyang indie movie na pinagbibidahan nina Cherie Gil at Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Tiniyak ni MacArthur na dadalo sila ni Alfred sa filmfest  sa India at sa ibang mga international film festival na lalahukan ng Kaputol na mula sa script ni Ricky Lee.

Si Alfred ang producer ng Kaputol na isa sa mga daring movie na ginawa ni Cherie na pumayag na magkaroon ng sizzling love scene kay Angel Aquino.

Maikukumpara ang mapangahas na love scene nina Cherie at Angel sa same-sex love scene nina Rhen Escano at Cindy Miranda sa Adan.