Kara gustong sundan ang nagawa ni Sarah

February 07, 2020

MASAYA ang sexy at magandang singer-actress na si Kara Madrid (formerly Kara Mitzki) sa kanyang pagbabalik sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA) dahil agad siyang nabigyan ng bagong movie assignment, ang “Adarna” kung saan tampok sina Coleen Garcia, JC Santos, AJ Muhlach at iba pa.  Kasama rin si Kara sa “Zombie Island” ng OctoArts Films na tinatampukan nina Beauty Gonzalez, Elisse Joson, Isabelle Daza, Paolo Contis, Nino Muhlach at Archie Alemania sa direksiyon ni Barry Gonzalez, ang box office director ng dalawang blockbuster MMFF movies ni Vice Ganda.  Napapanood din si Kara sa top-rating and long-running action-drama TV series ni Coco Martin, ang “FPJ’s Ang Probinsiyano” where she plays the role of a policewoman na kasapi ng Task Force Agila.

Since hindi na-promote ni Kara ang kanyang 2017 song na “Tayo Na” which she recorded in 2017 under Viva Records, gagawan ito ng dance music video to promote the song.

Ang “Tayo Na” ay kinompos ni Nicca del Rosario na siya ring nag-compose ng “Tala” ng pop superstar na si Sarah Geronimo na isang dance craze ngayon.

“Looking forward to a busier year this 2020,” ani Kara who is thankful sa mga naitulong sa kanya ng dati niyang manager na si Annabelle Rama.