Kasal nina Richard at Sarah biggest gathering

March 05, 2020

SA susunod na Sabado, March 14  ang ‘Big Day’ ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na nakatakdang ikasal sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City.  Ang nasabing okasyon ang magsisilbing biggest gathering sa nasabing hotel ng mga kilala at malalaking personalidad mula sa iba’t ibang sector ng lipunan na pangungunahan mismo ni Presidente Rodrigo `Digong’ Duterte kasama ang dalawang past Presidents  na sina Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph `Erap’ Estrada bilang bahagi ng mga principal sponsors kung saan kabilang ang clothing magnate na si Ben Chan ng Bench, Kevin Tan ng Megaworld, ang mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez, Senate President Tito Sotto and wife veteran singer-actress Helen Gamboa, Megastar Sharon Cuneta, Regal matriarch Mother Lily Monteverde, GMA chairman-CEO Atty. Felipe Gozon and wife Teresa Gozon, businessman-politician Chavit Singson at iba pa.  Sila ay bahagi sa 25 pairs ng mga ninong at ninang.  Bukod sa mgkakapatid na Ruffa, Rocky, Elvis, Raymond at Richie Paul, kasama rin sa secondary sponsors ang kanilang half-brothers nina Tonton at Monching Gutierrez maging ang panganay na  anak ni Monching (kay Lotlot de Leon) na si Janine Gutierrez, mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice maging ang dalawang anak ng ikakasal na sina Zion at Kai.  Ang iba pang celebrities na bahagi ng wedding entourage nina Richard at Sarah ay sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Coleen Garcia at iba pa.

Samantala, ang pre-nup shoot ng ikakasal ay kinunan undersea kaya unique ang kanilang pictorial.

Ang love affair nina Richard at Sarah ay nagsimula sa isang TV series sa Kapuso network.  They got engaged in March 2017 sa Zermatt mountain in Switzerland kung saan ipinanganak at lumaki si Sarah.