Kasal nina Richard at Sarah ’di alam kung kailan matutuloy

March 14, 2020
Richard Gutierrez at Sahrah Lahbati

DAHIL sa coronavirus (Covid-19), apektado na ang buhay at pamumuhay ng mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa laluna ang China kung saan nagsimula ang virus.  Hindi na tinatao ang mga malls. mga shopping centers, mga sinehan, restaurants, bagsak ang ekonimoya, postponed at kanselado ang mga major events, kanselado ang maraming flights both local and international, marami ang nawalan ng trabaho, nagpa-panic buying ang mga tao at kung anu-ano pa.  Hanggang kailan?

Kung postponed at kanselado na ang maraming concerts (both local and international) at iba pang major events, sumunod dito ang kasal ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sahrah Lahbati na dapat sana’y nakatakdang ikasal sa araw na ito ng Sabado, March 14 sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort ng BGC, Taguig City.  Inisip ng dalawa ang kapakanan ng lahat, their family at mga bisitang nakatakdang dumalo.  Wala pang definite date kung kelan itutuloy ang kasal ng dalawa.

Sobrang nakakaalarma ang dulot ng coronavirus hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa ngayon, ibayong pag-iingat at dasal ang kailangan ng lahat para tuluyan nang mahinto ang nakakatakot na virus na ito na wala pang nadidiskubreng lunas.