Kasal nina Richard at Sarah naman ang aabagan

February 28, 2020
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

AABANGAN naman ng publiko ang inaasahang grand Christian  wedding ng engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa isang five-star hotel sa darating na March 14, 2020 na isi-share sa publiko ng ABS-CBN.

Touted as the grand wedding of the year (if not of the decade), 25 pairs ang tatayong principal sponsors na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at dalawang past Presidents ng Pilipinas na sina Joseph `Erap’ Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo and an array of other political figures.  Kasama rin sa tatayong godparents ay ang chairman ng GMA na si Atty. Felipe Gozon at Mrs. Teresa Gozon gayundin ang chairman ng ABS-CBN na si Mark Lopez at dating president and CEO ng Kapamilya Network na si Charo Santos-Concio.

Kabilang din sa wedding entourage sina Sharon Cuneta, Mother Lily Monteverde, Sen. President Tito Sotto and wife Helen Gamboa, Gov. Chavit Singson, Sen. Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao, Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez at marami pang iba.

Samantala, ang dalawang anak nina Richard at Sarah na sina Zion at Kai ay tatayong coin and ring-bearer respectively.  Best men naman ang dalawang kapatid ni Richard na sina Raymond at Elvis at part naman ng groomsmen ang iba pa nilang kapatid na sina Rocky, Ritchie Paul maging sina Tonton at Ramon Christopher Gutierrez. Si Ruffa ay tayong matron of honor at part naman ng bridemaids sina Janine Gutierrez at Bela Padilla at junior bridesmaids naman ang dalawang anak ni Ruffa sa ex-husband na si Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice at part naman ng junior groomsmen ang pamangkin ni Richard na si David Guitierrez.

Richard is 36 at 26 naman si Sarah.   Ang love affair ng dalawa ay nagsimula sa set ng TV drama series ng GMA na “Makapiling Kang Muli” nung 2012.  Sarah was only 18 years old then and it was love at first sight sa dalawa.

Nang magkaroon ng problema si Sarah sa dating home studio (GMA), Richard stood by her hanggang pareho silang umalis sa Kapuso Network.

After their March 14 wedding, malaya nang matatawag ni Sarah ng Mommy at Daddy ang parents ni Richard na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez. Hanggang ngayon ay Tito at Tita pa rin ang tawag ni Sarah sa mga ito kahit matagal na silang nagsasama ni Richard at meron na silang dalawang anak, sina Zion (turning 7 in April) at si Kai na magwa-one-year-old next month.