Kasal nina Richard at Sarah natuloy sa kabila ng COVID-19

March 15, 2020
Richard Gutierrez & Sarah Lahbati

HINDI man natuloy ang engrandeng kasalan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati last Saturday, March 14 na gaganapin sana sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort in BGC, Taguig City, itinuloy ng dalawa ang kanilang intimate civil  wedding ceremony. Kaya official nang Mr. & Mrs. Richard Gutierrez ang couple.  The grand wedding celebration will still happen kapag nag-die down na ang Covid 19 threat.   Although may napili na silang petsa, hindi pa nila ito ipinaaalam sa publiko.

Si Sarah (26) ay naging finalist ng reality talent search ng GMA, ang “Starstruck: Season 5” in 2010.  Doon pa lamang ay sinabi niya na gusto niyang makatrabaho ang (dating) primetime king ng GMA na si Richard Gutierrez (36) na nagkatotoo naman two years later nang magsama ang dalawa sa TV series na “Makapiling Kang Muli” kung saan nagsimula at nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Nang magkaroon ng problema si Sarah sa Kapuso Network in 2013,  umalis ito at bumalik ng Switzerland.  At that time ay ipinagbubuntis na niya ang kanilang panganay ni Richard na si Zion.  In June 2014 ay ipinakilala na nina Richard at Sarah ang kanilang first born na si Zion.

As early as September 2015 ay gusto nang magkapasal nina Richard at Sarah pero ito’y naurong nang naurong.

Lumipat ng management company si Sarah sa bakuran ng Viva at naging visible sa mga programa ng ABS-CBN in 2015.  Taong 2017 naman nang maging Kapamilya si Richard na agad isinalang sa kanyang kauna-unahang primetime TV series, ang “La Luna Sangre” na pinagsamahan nila nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nung July 31, 2017 ay nag-propose si Richard kay Sarah sa Zermatt, Switzerland at muling nagplano ang couple for a 2018 wedding pero hindi ito natuloy nang muling mabuntis si Sarah sa kanilang ikalawang child na si Kai na isinilang nung March 21, 2018.

October 6, 2019 naman nang i-announce nina Richard at Sarah ang kanilang wedding for March 14, 2020.

Sa darating na March 31 ay second birthday ng second son nina Richard at Sarah na si Kai. Dahil sa Covid 19, malamang na isang intimate birthday celebrtation lamang ang mangyari sa kaarawan ni Kai.