Kate 1M na ang followers sa IG

August 25, 2020
Kate Valdez

EXCITED ang Kapuso actress na si Kate Valdez dahil lagpas one million na ang fans niya sa Instagram! “1M!!! Woot! So much love for y'all. Thank you so much loves! You guys rock!,” post ni Kate.

Hindi rin kasi nauubusan ng nakakaaliw na content ang aktres at consistent siya sa pagbabahagi ng TikTok videos at life updates niya rito.

Dahil siguro nami-miss na siya ng Kapuso viewers sa GMA primetime series na 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,' sa ngayon, online na lang muna siya sinsundan ng kanyang supporters. Kaya naman aktibo si Kate sa pagpo-post.