Kathryn, Daniel wala pang planong magpakasal

July 27, 2020
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

KAPAMILYA young sweethearts Kathryn Bernardo and Daniel Padilla celebrated their 8th year anniversary bilang magkasintahan nung May 26, 2020.

Kathryn was only 16 then at 17 naman si Daniel nang sila’y maging magkasintahan while they were doing the TV series na “Princess and I” in 2012 to 2013.

Sa kabila ng matagal na nilang relasyon, wala umano sa kanilang immediate plans ang planong pagpapakasal dahil pareho pa umano silang bata at marami pa silang respective goals na gustong maabot before they settle down.

Young as they are, bibihira ang katulad ng KathNiel na magtatagal ang relasyon considering na pareho pa sila tinedyer nang maging magkasintahan.

Parehong supportive ang respective families nina Kathryn at Daniel sa kanilang relasyon kaya kapag dumating ang panahon na plano na nilang lumagay sa tahimik ay tiyak na may basbas na ito ng kanilang mga magulang.

Nung nakaraang October 2019 ay binuksan ng magkasintahan at magka-lovetetam ang kanilang first joint business venture, ang Barbero Blues.

Samantala, excited na rin ang mga fans ng KathNiel na muling mapanood ang dalawa sa isang serye sa telebisyon at malamang na ito’y mangyari soon.