KC, mag-isang nag-birthday

April 07, 2020
KC Concepcion

DAHIL sa umiiral na enhanced community quarantine, mag-isang ipinagdiwang ng mega daughter na si KC Concepcion ang ika-35th birthday April 7.

As we all know, nakabukod na si KC sa mommy niyang si Sharon Cuneta at solong naninirahan sa sariling condo unit.

Pag-amin ng dalaga sa Instagram account, akala niya ay malulungkot siya sa pagse-celebrate mag-isa, pero mali raw siya.

Ani KC, “I thought I would hate being alone on my birthday, BUT I was wrong! Because of those of you (whom I wont mention one by one) who sent me such sweet, loving messages and bring me ONLY good energy — I am sooo happy today.

“You all make my heart so full! Thank you! TRULY the sincere love from family & real friends is what matters most in life. There’s no better time to celebrate LIFE and the PEOPLE who matter, than now. Sending you only joy, light, and above all, love. xoxo, KC.”

Actually, kasabay niyang nag-birthday ng April 7 si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

And although kasama ni Goma ang misis na si Rep. Lucy Torres-Gomez at ang anak nilang si Juliana, sa trabaho bilang ama ng lungsod inilaan ng actor-politiko ang kanyang kaarawan.