KC nag-celebrate ng birthday mag-isa

April 08, 2020
KC Concepcion
KC Concepcion

LAST Tuesday, April 7 ay ika-35th birthday ng panganay at kaisa-isang anak ng estranged couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion at mag-isa niya itong sinelebryt sa kanyang unit in a posh condominium.  Bukod sa pagbati ng kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan, hindi nagpabaya ang kanyang megastar mom na si Sharon na batiin sa kanyang kaarawan ang kanyang panganay, isang indikasyon na balik na naman sa dati ang relasyon ng mag-ina matapos silang magkaroon ng tampuhan nang hindi siputin ni KC ang birthday celebration ni Sharon last January 5 sa “ASAP Natin `To” at maging sa actual birthday mismo ng megastar last January 6.

Ito marahil  ang kauna-unahang birthday ni KC na mag-isa niyang idinaos without her family and friends around her.

At 35, handang-handa na rin si KC na harapin ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya pero ang problema ay wala siyang special someone ngayon.

Hiwalay na  sila sa kanyang French businessman boyfriend na si Pierre Plassart nung isang taon although may lumutang na balita linking her to Black Eyed Peas member at isa sa coaches ng The Voice Teens (Philippines)  na si apl.de.ap (Allan Pineda Lindo).

Na-link din noon si KC sa French guy na si Ugo de Charette, singer-songwriter, multi-instrumentalist and record producer Rico Blanco, director-turned politician na si Lino Cayetano, actors Piolo Pascual and Paulo Avelino and football player Aly Borromeo.

Samantala, matagal-tagal na ring walang TV and movie assignment si KC.  Although may negosyo at mga investment si KC, sayang din kasi ang talent niya sa singing, dancing, acting and hosting na hindi gaanong nama-maximize.