KC tahimik tungkol kay Pierre

April 09, 2019
KC Concepcion

NAGTATAKA ang fans and followers ni KC Concepcion kung bakit tila tahimik ito lately laluna pagdating sa French boyfriend nitong businessman at filmmaker na si Pierre Emmanuel Plasart.

Last April 7 ay ika-34th birthday ni KC pero walang paramdam kung kasama nito ang kanyang nobyo dahil walang bagong posts ang magkasintahan sa kanilang respective Instagram accounts.

Masaya ang pamilya ni KC maging ang kanyang mga kaibigan at mga fans na muli nitong nakabalikan si Pierre. It was in August last year nang ipaalam ni KC via her Instagram ang pagkakabalikang muli nila ni Pierre by posting their sweet photos habang sila’y nasa bakasyon sa Europe. Ipinakilala na ni Pierre si KC sa kanyang pamilya sa France last September at nakilala naman ni Pierre ang family ni KC.  Katunayan, dito pa sa Pilipinas nag-spend ng Christmas ang French businessman at filmmaker.

Bukod sa family ni KC ay kilala na rin si Pierre ng mga kaibigan ng singer-actress.

So who is Pierre? He wrote, directed and produced his first two short films na pinamagatang “Betrayed” in 2005 and “Harmony” in 2011.  He moved to Los Angeles, California in 2005 at siya’y nagtapos ng Bachelor of  Arts in Film sa Art Center of Design in Pasadena, California at sumailalim ng one-year filmmaking program sa Universal Studios in L.A.  Pero bago ito ay nagkahilig si Pierre sa photography and specializes in jewelry and fashion in Paris and developed passion in visual arts.  Nakapaglibot na rin si Pierre sa iba’t ibang international film festivals.

Si KC naman ay nagtapos ng Bachelor’s degree in International Corporate Communication with a minor in Theater Arts sa American University of Paris in 2007.   Si  KC ay nagtayo  ng kanyang sariling jewelry business na siya mismo ang nagdi-design.  She’s also a singer, actress and host.

Umaasa ang fans ni KC na wala silang problem ni Pierre na inaasahan ng marami na siyang makakatuluyan ng dalaga.