Kean sobrang proud kay Chynna 

April 23, 2020
Kean Cipriano & Chynna Ortaleza

PROUD husband si Kean Cipriano sa kanyang misis na si Chynna Ortaleza. Bukod sa ganda at husay ni Chynna bilang isang host, na-a-amaze rin daw siya sa kabutihan ng puso nito. 

"I love watching her do her thing. Lagi akong amazed whenever I see her host. Lalo na 'pag nakikita ko na masaya siya sa ginagawa nya. This woman has a kind heart. She makes sure everything is well taken of,” lahad ni Kean sa isang post. 

Sa parehong post, ipinaliwanag din ni Kean ang ginawang proyekto ng kanyang asawa kasama ang kanyang mga kaibigan sa industriya,"@chynsortaleza and her mom friends feel for all the other moms out there who need assistance in this challenging time. That’s why they started @alalaykaynanay. I'm really inspired by this movement.”

Ang online talk show na Project #AlalayKayNanay ay ang fundraising drive na binuo nina Chynna at nina Camille Prats, Iya Villania, Chariz Solomon, LJ Reyes, at Isabel Oli-Prats para pag-usapan ang iba't ibang topics tungkol sa pagiging ina.

Layon nitong mabahaginan ng pagkain, vitamins, at iba pang pangangailangan ang babies na may mga magulang na kulang ang kinikita o di kaya’y nawalan ng trabaho dahil sa enhanced community quarantine. Para sa karagdagang impormasyon at sa mga gustong mag-donate, bisitahin lamang ang official Instagram at Facebook page ng Alalay Kay Nanay (@alalaykaynanay).