Keempe lumabas sa katapat na programa ng ama

March 22, 2019
Keempee De Leon
Keempee De Leon

MARAMI ang nagulat nang lumabas si Keempee de Leon, anak ng veteran TV host at isa sa mga poste ng “Eat Bulaga” na si Joey de Leon, sa rival program na “It’s Showtime” ng ABS-CBN kamakailan lang.  Si Keempee ay naging isa sa tatlong contestant sa isang segment (dating game) ng programa para makapag-promote na rin ng kanyang bagong TV series sa Kapamilya Network, ang “Nang Ngumiti ang Langit” na magsisimula na sa darating na Lunes, March 25 bago mag-“It’s Showtime”.

Si Keempee ay 14 na taon ding naging bahagi ng “Eat Bulaga” pero hindi nito itinatago ang kanyang tampo sa programa dahil basta-basta na lamang umano siyang tinanggal nang walang dahilan o memo man lamang.

Although identified si Kempee sa pagiging Kapuso, inamin nito na wala umano siyang exclusive contract with any TV network kaya isa umano siyang freelancer.

Since may bago siyang serye sa Kapamilya Network, hindi maiiwasang mag-guest siya sa iba't ibang programa doon.

“Trabaho lang po, wala sanang personalan,” ani Keempee who at 46  ay single pa rin although meron siyang isang anak na si Samantha sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend.

Si Keempee ay na-link noon sa iba’t ibang female showbiz personalities tulad nina Angelika de la Cruz, Bernadette Allyson, Jessa Zaragoza, Ara Mina, Vina Morales, Carmina Villarroel at Manilyn Reynes pero wala siyang nakatuluyan ni isa man sa kanila.