Keempee umamin sa depresyon

March 30, 2019

EVERY artist has secrets to reveal at isa sa kanila ay si Keempee de Leon na after 16 years ay nagbabalik-Kapamilya. May mga pag-amin siyang ginawa  sa Tonight with Boy Abunda (TWBA) hinggil sa past relationships niya with different women noong kabataan niya. Ayaw naming akusahan si Keempee na kiss-and-tell dahil wala naman siyang idinetalye at siniraan. Nor explain sa naging cause ng paghihiwalay ng kanyang exes.. In fact, hindi sa bibig ni Keempee nagmula ang pagbanggit ng pangalan kundi kay Boy Abunda. He said he remained friends up to now with all of them.

Then came the pasabog question from Abunda: Naging alcoholic ka ba?

Almost and it was leading to that, the actor said. Depression daw ang dahilan. Hanggang may na-meet siyang pastor who told him na huwag sayangin ang buhay. He is now on the right track and very happy dahil may project siya, a teleserye entitled Nang Ngumiti ang Langit. At halos maiyak si Keempee ng isa-isa niyang banggitin ang mga pangalan ng mga taong involved sa project.

Sana ay tuluy-tuloy na ang pagngiti  ng magandang kapalaran kay Keempee now that he is once again a Kapamilya.