Kelsey pumirma bilang Viva artist

June 14, 2020

ANG 23-year-old Filipina-American model na si Kelsey Merritt ang pinakabagong talent ng Viva Artists Agency (VAA). This was announced by Viva’s top honcho na si Vic del Rosario, Jr.

Although sa New York City, USA na naka-base ngayon ang Pampanga-born  model, puwede siyang lumipad ng Pilipinas kapag meron siyang project dito.

Ang international modeling career ni Kelsey ay pinamamahalaan ng The Society Management matapos siyang umalis sa kanyang unang mdodeling agency, ang Wilhelmina Modeling Agency na siyang dahilan ng kanyang pagkakasali sa Victoria’s Secret fashion show in New York in 2018 making her the first Fil-Am na rumampa sa taunang prestigious fashion event ng nasabing brand.  Siya rin ang kauna-unahang Fil-Am model that was featured sa annual Sports Illustrated Swimsuit Magazine issue sa America  maging sa iba’t ibang fashion magazines tulad ng Vogue, Elle and Harper’s Bazaar.

Since living in New York City, doon niya nakilala ang kanyang boyfriend ngayon (of two years), ang American  Olympics gold medalist na si Conor Dwyer at kamakailan lamang ay ang-celebrate ang dalawa ng kanilang 2nd anniversary bilang magkasintahan.

Kelsey’s mother is Filipina habang American naman ang kanyang ama with European descent. Siya’y nagtapos ng Communications sa Ateneo de Manila University in May 2017.