Ken at Rita may bagong project sa gitna ng pandemic

August 17, 2020

ANG tambalan nina Ken Chan at Rita Daniela ay isa sa mga successful loveteams ngayon sa bakuran ng GMA matapos magsama ang dalawa sa “One of the Baes,” “The Clash,”  “My Special Tatay” at ngayon sa “Out All Sunday”.

Dahil sa matagumpay na tambalan ng dalawa, ang actress-producer na si Harlene Bautista ang nakaisip na pagsamahin ang dalawa sa isang pelikula na nakatakdang idirek ng TV and movie director na si Louie Ignacio.  Ang pelikulang gagawin ng dalawa ay pinamagatang “My First, Your Last: Luis Loves Luisa”.

Samantala, dahil nasa gitna pa ang Metro Manila at mga karatig lugar sa modified enhanced community quarantine (MECQ), susunod ang Heaven’s Best Entertainment sa health protocols when filming a movie at kasama na rito ang Covid-19 testing before and after  ng lock-in period.

Si Ken ay isa sa mga huling talents na natulungan ng yumaong star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno sa kanyang “Walang Tulugan with the Master Showman” na siya ring pinagmulan ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez, Rhen Escano, Marlo Mortel, Jake Vargas, Michael Pangilinan at iba pa.