Kim may birthday gift sa sarili

April 20, 2020
Kim Chiu

BIRTHDAY ni Kim Chiu nung nakaraang Linggo, April 19.  Kim turned 30. 

Hindi kasama ni Kim ang kanyang boyfriend na si Xian Lim on her birthday dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) kaya nagpahatid na lamang ng pagbati ang singer-actor sa kasintahan by posting a picture na magkasama sila ni Kim na magka-holding hands sa isang beach.

A day after her birthday, kahapon, April 20 ay ni-release ng Star POP ang bagong single ni Kim na napapanahon ang mensahe na pinamagatang “Wag Kang Bumitaw” which she recorded bago pa man dumating ang Covid 19 pandemic. The song was written by Jun Lirios and music by Leah Negapatan and arranged by Michael Negapatan and produced by Rox Santos for Star POP.  Ang nasabing awitin ay birthday gift ni Kim sa kanyang sarili laluna sa kanyang mga tagahanga.